Monday, March 23

expired

naalala ko na mangilan ngilang taon na din nung ako'y huling pumunta ng greenbelt kasama ni suzanne ng biyernes ng gabi.  mahirap mag-park, ang daming taong naka bihis pang-gimik, masikip, maingay at mainit. nakita ko pa nga noon si jen (madulid pa sya noon).
so sinabi ko sa sarili ko na sinumpa ko ang friday nights at greenbelt at hinding hindi na ako pupunta doon ng biyernes ng gabi. masyadong magulo at nilampasan ko na ang mga maingay na lugar (i.e. matanda na ako).
so nung biyernes, kinain ko din ang sinabi ko.  tinawagan ako ni adri at niyaya nya akong maki-dinner kasama ng 1 british birder (na kasama sa fam tour ng dot) na sinamahan nya sa makiling. kasama si alex t (at maya maya ay nalaman kong pupunta na din si tere at nicky).  sa chili's daw.  aha! na excite ako kasi: 1. patapos na ang klase at may isang tambak ako na papeles at exam na inipon para i-check at syempre ayaw kong i-check pa; 2. ang chili's greenbelt ay isa sa nabibilang sa aking mga "good places" mula college (memories of chips and tequila with edna, amor and patricia). so, kahit biyernes at gabi, sya, pupunta pa din ako.
aba, madami na palang nag-iba sa friday-night greenbelt mula ng isinumpa ko ito.  bukod sa major facelift (greenbelt 5ang latest, kung saan ang columbia-plugging lang), ay wala na pala ang chili's sa dati nyang lugar sa tabi ng kalye! nasa greenbelt 5 na pala, sa loob na nga ng mall, sa second floor pa (napansin ko din na ang max brenner ay wala na din sa kanyang orig na lugar).  buti nalang ti-next ako ni alex bago ako na trap sa mga one way na kalye. walang traffic papuntang makati mula sa qc, at ang dali kong nakaparada (of course sa greenbelt 2 pa rin ako pumarada... creature of habit).  imagine, parang 100+ ang parking spaces na available!  madami pa ding tao pero wala sa dami ng naaalala ko. ang greenbelt 5 ay isang maliwanag na mall, at wala ang aking in-expect na kaguluhan sa mga restaurant sa greenbelt 2.  bihis pa din ang mga tao, pero di na ako feeling outsider na taga qc na hindi naka pang clubbing or naka office attire.
so anyway, ang daming tao sa chili's so sa masas nalang kami pumunta.  (oo nga naman, bakit sa chili's pakainin ang dayuhan, eh di sa pinoy food nalang).  masarap, mahabang kwentuhan, tawanan at laitan (ng ibang tao). matapos ang dinner ay itinuloy namin ni adri at nicky ang kwentuhan at inuman sa ibang kainan (na mas mura ang beer).  ika nga ni adri, lifer ko ang san mig premium.  masarap, matamis, weird lang na green ang bote.



anyway, ano ang point ng tag-lish rant na ito. (bukod sa ayaw ko pa din mag-check). 
ang mga sumpa pala ay nag-e-expire din, dahil eventually, di na applicable yung conditions ng sumpa. i suppose.

(pero hindi ibig sabihin nito na lalakabay ako sa makati tuwing biyernes.  malayo pa din.)

Friday, March 13

geek-y humor



This made me laugh today. And so did this:



I've always known doing molecular biology work actually has a lot of hidden lessons that can be applied to "real life".

For more, go to http://www.promega.com/pnotes/techtoons/TechToonsBooklet.pdf.  You'll also get a few lab tips to go with the laughs.